Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Abi-albon

Abi-albon

Isang Benjamita at isang namumukod-tanging mandirigma na nakatalang kabilang sa 37 sa pinakamagigiting na kawal ni Haring David. (2Sa 23:31) Maliwanag na siya ang Abiel na tinukoy sa isang katulad na ulat sa 1 Cronica 11:32. Tinatawag siyang Arbatita, marahil ay sapagkat nanggaling siya sa lunsod ng Bet-araba, na malapit sa hanggahan sa pagitan ng Benjamin at Juda at nasa itaas ng H dulo ng Dagat na Patay. (Jos 15:6; 18:21, 22) Ang kaniyang kagitingan sa pakikipaglaban ay kaayon ng hulang binigkas ni Jacob bago ito mamatay, may kinalaman sa tribo ni Benjamin.​—Gen 49:27.