Abi-ezrita
[Ni (Kay) Abi-ezer].
Isang inapo ni Abi-ezer; mula sa pamilya ni Abi-ezer. (Huk 6:11, 24; 8:32) Ang Bilang 26:30 ay kababasahan ng “Iezerita” (“Jezerita,” AS-Tg), na pinaikling Abi-ezrita. Sa Bibliya, ang terminong ito ay ikinakapit sa mga nagmula kay Abi-ezer na “anak ni Gilead,” hindi sa Abi-ezer na nabuhay noong panahon ni David.—Tingnan ang ABI-EZER Blg. 1.