Abib
[Mga Luntiang Uhay].
Ang orihinal na pangalan ng unang buwang lunar sa sagradong kalendaryong Judio at ng ikapitong buwan sa sekular na kalendaryo. (Exo 13:4; 23:15; 34:18; Deu 16:1) Karaniwan na, katumbas ito ng huling bahagi ng Marso at unang bahagi ng Abril.
Ang pangalang Abib ay ipinapalagay na nangangahulugang “Mga Luntiang Uhay,” yamang ang mga uhay ng butil sa panahong iyon ay hinog na ngunit malambot pa. (Ihambing ang Lev 2:14.) Sa buwang ito nagaganap ang pag-aani ng sebada, na sinusundan naman ng pag-aani ng trigo pagkalipas ng ilang linggo. Nagsisimula na rin ang mga huling ulan o ang mga ulan sa tagsibol, at nagiging dahilan ito ng pag-apaw ng tubig ng Ilog Jordan. (Jos 3:15) Itinalaga ito ni Jehova bilang unang buwan ng sagradong taon noong panahon ng Pag-alis mula sa Ehipto. (Exo 12:1, 2; 13:4) Pagkatapos ng pagkatapon sa Babilonya, ang pangalang ito ay pinalitan ng pangalang Nisan.—Tingnan ang NISAN.