Abrona
Isa sa mga lugar na pinagkampuhan ng mga Israelita noong naglalakbay sila sa ilang mula sa Ehipto. Nakatala ito sa Kasulatan sa pagitan ng Jotbata at Ezion-geber at ipinapalagay na ito ang oasis ng ʽAin Defiyeh (ʽEn ʽAvrona), na 14.5 km (9 na mi) sa HHS ng Ezion-geber.—Bil 33:34, 35.