Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Acbor

Acbor

[Herboa; Lumuluksong Daga].

1. Ang ama ni Baal-hanan, na nakatala bilang ikapitong hari ng Edom.​—Gen 36:38, 39; 1Cr 1:49.

2. Ang anak ni Micaias at isang pinagkakatiwalaang opisyal sa korte ni Haring Josias. (2Ha 22:12) Tinatawag siyang “Abdon na anak ni Mikas” sa 2 Cronica 34:20. Nang malaman ang tungkol sa nag-aapoy na pagngangalit ni Jehova na ipinahayag sa sinaunang aklat ng Kautusan, na katutuklas lamang nila noon, isinugo ni Josias si Acbor bilang isa sa komiteng binubuo ng lima katao upang alamin sa propetisang si Hulda kung ano ang dapat gawin. (2Ha 22:8-14) Si Acbor ang ama ni Elnatan, isang prinsipe sa korte ni Haring Jehoiakim, at malamang na lolo sa tuhod ni Haring Jehoiakin.​—Jer 26:22; 36:12; 2Ha 24:8.