Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Acsa

Acsa

[Pulseras sa Bukung-bukong; Pulseras sa Paa].

Ang anak na babae ng Judeanong tiktik na si Caleb na inialok niyang ipakakasal niya sa sinumang makabibihag sa moog ng Debir sa teritoryong katatanggap lamang ng Juda. Nabihag iyon ng pamangkin ni Caleb na si Otniel, na maliwanag na siyang naging unang hukom pagkatapos ni Josue (Huk 3:9, 10), at, bilang gantimpala, napangasawa niya ang kaniyang pinsan na si Acsa.​—Tingnan ang OTNIEL.

Nang umalis si Acsa patungo sa kaniyang bagong tahanan, hiniling niya at tinanggap mula sa kaniyang ama ang isang karagdagang pilíng kaloob, ang isang lupain na kinaroroonan ng Mataas at Mababang Gulot. (Jos 15:15-19; Huk 1:12-15) Maaaring si Acsa ang ina ni Hatat.​—1Cr 4:13.