Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Acsap

Acsap

[Dako ng Panggagaway].

Isang maharlikang lunsod ng Canaan. Ang hari nito ay tumugon sa panawagan ni Jabin, na hari ng Hazor, at sumama sa mga haring nagkakampo sa may tubig ng Merom upang makipaglaban sa Israel. (Jos 11:1, 5) Napatay siya sa sumunod na pagbabaka. (Jos 12:7, 20) Nang maglaon, ang lunsod ng Acsap ay isinama sa teritoryong iniatas bilang mana ng tribo ni Aser.​—Jos 19:25.

Iminumungkahi ng ilang iskolar na iugnay ang Acsap sa Tell Kisan (Tel Kison), isang lugar na mga 10 km (6 na mi) sa TS ng Aco (Acre). Gayunman, mas pabor ang iba sa Khirbet el-Harbaj (Tel Regev) na mga 11 km (7 mi) sa TS ng Haifa.