Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Ada

Ada

[pinaikling anyo ng Eleada o Adaias].

1. Ang una sa dalawang nabubuhay na asawa ni Lamec. Siya ang ina ni Jabal, ang nagpasimula sa mga pagala-galang tagapag-alaga ng kawan, at ni Jubal, ang nagpasimula sa mga manunugtog.​—Gen 4:19-23.

2. Isang Canaanitang anak ni Elon na Hiteo, at isa sa mga asawa ni Esau. Dahil dito, siya ay naging “sanhi ng kapaitan ng espiritu para kay Isaac at kay Rebeka.” Ang pangalan ng kaniyang anak ay Elipaz, ang ama ni Amalek. Maaaring siya ang tinatawag na Basemat sa Genesis 26:34.​—Gen 26:35; 36:2, 4, 10, 12.