Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Adaias

Adaias

[Ginayakan ni Jehova [ang nagtataglay ng pangalan]].

1. Isang inapo ng anak ni Levi na si Gersom at ninuno ni Asap.​—1Cr 6:39-43.

2. Isang Benjaminita, anak ni Simei.​—1Cr 8:1, 21.

3. Ang ama ni Maaseias, na isa sa “mga pinuno ng daan-daan” na tumulong kay Jehoiada na saserdote upang maibagsak ang pamamahala ng balakyot na si Athalia at mailuklok si Jehoas sa trono ng Juda.​—2Cr 23:1.

4. Ang ama ni Jedida na ina ni Haring Josias. (2Ha 22:1) Isa siyang katutubo ng Bozkat, na nasa Sepela sa teritoryo ng Juda.​—Jos 15:21, 33, 39.

5. Isang anak ni Joiarib na mula sa tribo ni Juda.​—Ne 11:4, 5.

6. Isang saserdote na nanahanan sa Jerusalem pagkabalik mula sa pagkatapon sa Babilonya. Siya ay anak ni Jeroham.​—1Cr 9:10-12; Ne 11:12.

7. Isang Israelita, isa sa mga inapo ni Bani na dumiborsiyo sa kanilang mga asawang banyaga at nagpaalis sa kanilang mga anak pagkatapos ng pagkatapon sa Babilonya.​—Ezr 10:29, 44.

8. Isa pa sa mga Israelita na nagpaalis sa kanilang mga asawang banyaga at mga anak, at ang ulo ng kaniyang angkan ay si Binui.​—Ezr 10:38, 39, 44.