Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Addar

Addar

1. Anak ni Bela, isang Benjaminita.​—1Cr 8:1, 3.

2. Isang bayan ng Juda sa timugang hanggahan nito malapit sa Kades-barnea. (Jos 15:3) Sa ulat ni Josue, nakatala ito sa pagitan ng Hezron at Karka, ngunit sa Bilang 34:4, lumilitaw na ang pangalang Hezron (nangangahulugang “Looban; Pamayanan”) ay itinambal sa Addar upang maging Hazar-addar, yamang ang nabanggit na mga ulat ay magkatulad. Iminumungkahi ng aklat na Biblical Archaeology (ni G. E. Wright, 1962, p. 71) na ang isang posibleng lokasyon nito ay ang ʽAin el-Qudeirat, kung saan may isang di-natutuyong bukal na dumidilig sa isang maliit ngunit matabang libis. Ito ay mga 8 km (5 mi) sa HHK ng ʽAin Qedeis, ang posibleng lokasyon ng Kades-barnea.