Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Adiel

Adiel

[Ang Diyos ay Isang Palamuti].

1. Ang ama ni Azmavet na inatasan ni Haring David upang mamahala sa kaniyang maharlikang bahay ng kayamanan.​—1Cr 27:25, 31.

2. Isa sa mga pinuno ng tribo ni Simeon. Nang mga araw ni Haring Hezekias ng Juda noong ikawalong siglo B.C.E., nakibahagi si Adiel sa pagtataboy sa mga Hamita mula sa pook na malapit sa Gedor.​—1Cr 4:36, 38-41.

3. Isang Aaronikong saserdote na mula sa sambahayan ni Imer sa panig ng ama. Ang ama niya ay si Jahzera. Ang kaniyang anak na si Maasai ay naglingkod sa Jerusalem pagkatapos ng pagkatapon sa Babilonya.​—1Cr 9:12.