Admata
[mula sa Persiano, nangangahulugang “Di-nalupig”].
Isa sa pitong prinsipe sa kaharian ng Persia at Media na nakalalapit kay Haring Ahasuero. Ang mga prinsipeng ito ay sumang-ayon sa hatol laban kay Reyna Vasti, at lumilitaw na ang gayong komite na binubuo ng pitong tagapayo ay palagiang naglilingkod sa mga haring Persiano.—Es 1:14; Ezr 7:14.