Adnah
[Kaluguran].
1. Isang magiting na opisyal ng militar ng Manases na lumipat mula sa panig ni Saul tungo sa hukbo ni David sa Ziklag. Nakipaglaban siyang kasama ni David sa pagtugis sa pangkat ng mandarambong na mga Amalekita na nagwasak sa kampo ni David sa Ziklag, at siya ay naging isang pinuno sa hukbo ni David.—1Cr 12:20, 21; 1Sa 30:1, 2, 17-19.
2. Isang Judeanong heneral ng mga hukbo noong panahon ng paghahari ni Haring Jehosapat. Siya ay nanguna sa 300,000 magigiting at makapangyarihang mga mandirigma at may kapamahalaan din sa karagdagan pang 480,000 sundalo na nasa ilalim ng pangunguna ng mga heneral na sina Jehohanan at Amasias, na pawang naglilingkod sa hari sa Jerusalem.—2Cr 17:13-16, 19.