Adon
Lumilitaw na isang di-matukoy na lokasyon sa Babilonia. Sa pagwawakas ng 70-taóng pagkatiwangwang ng Juda, hindi napatunayan ng ilan sa mga nanirahan sa Adon na bumalik sa Jerusalem, noong 537 B.C.E., ang kanilang talaangkanan mula sa mga pampublikong rekord. Dahil dito, hindi sila naging kuwalipikadong maglingkod bilang mga saserdote. Ipinapalagay ng ilang iskolar na ang binanggit na Adon ay isang indibiduwal na hindi nakapagpatunay ng kaniyang pinagmulang angkan.—Ezr 2:59-62; Ne 7:61-64.