Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Agusang Libis

Agusang Libis

[sa Ingles, torrent valley].

Ang salitang Hebreo na naʹchal ay maaaring tumukoy alinman sa libis na dinadaluyan ng batis (Gen 26:19; 2Ha 3:16; Job 30:6; Sol 6:11) o sa batis mismo. (1Ha 17:4; Aw 110:7) May kinalaman sa salitang naʹchal, si A. P. Stanley, sa kaniyang aklat na Sinai and Palestine (1885, p. 590), ay may ganitong puna: “Walang salitang Ingles ang eksaktong katumbas nito, ngunit marahil ay ‘torrent-bed (agusang-sahig)’ ang pinakamalapit.” Itinatala ng Hebreo at Aramaikong leksikon nina Koehler at Baumgartner ang “agusang-libis” bilang isa sa mga katuturan nito. (Lexicon in Veteris Testamenti Libros, Leiden, 1958, p. 607) Ang terminong “wadi” (sa Arabe) ay ginagamit din upang tumukoy sa agusang libis.​—Gen 32:23, tlb sa Rbi8.

Ang Lupang Pangako ay inilalarawan bilang “isang lupain ng mga libis na inaagusan ng tubig, mga bukal at matubig na mga kalaliman na bumubukal sa kapatagang libis at sa bulubunduking pook.” (Deu 8:7) Ang ilan sa mga batis ay dinadaluyan ng mga bukal at sa gayon ay hindi natutuyo, samantalang ang iba naman ay inaagusan ng tubig kapag tag-ulan ngunit tuyung-tuyo kapag hindi kapanahunan ng ulan. (1Ha 17:7; 18:5) Inihambing ng tapat na si Job sa isang agusang-taglamig na natutuyo kapag tag-araw ang mapandayang pakikitungo sa kaniya ng mga kapatid niya.​—Job 6:15.

Kabilang sa mga agusang libis na binanggit sa Bibliya ay yaong nasa Araba (Am 6:14), Arnon (Deu 2:36), Besor (1Sa 30:9), Kerit (1Ha 17:3), Ehipto (Jos 15:4), Escol (Bil 13:23), Gerar (Gen 26:17), Jabok (Deu 2:37), Kana (Jos 16:8), Kidron (2Sa 15:23), Kison (Huk 4:7), Sorek (Huk 16:4), at Zered (Deu 2:13; tingnan ang mga agusang libis sa ilalim ng kani-kanilang pangalan). Ang iba pang mga agusang libis na hindi binanggit gayunma’y pangunahing mga sangang-ilog ng Jordan ay ang Yarmuk at ang Farʽah.

[Mapa sa pahina 58]

(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)

MGA PANGUNAHING AGUSANG LIBIS

Malaking Dagat

A. L. ng Kison

A. L. ng Kana

A. L. ng Sorek

A. L. ng Gerar

A. L. ng Besor

Ilog Jordan

A. L. ng Yarmuk

A. L. ng Farʽah

A. L. ng Jabok

Dagat Asin

A. L. ng Arnon

A. L. ng Zered