Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Ahikam

Ahikam

[Ang (Aking) Kapatid ay Bumangon [samakatuwid nga, sa pagbabaka]].

Anak ni Sapan na maharlikang kalihim noong panahon ng paghahari ni Josias. Si Ahikam ay isa sa limang lalaki na isinugo ni Josias sa propetisang si Hulda upang sumangguni hinggil sa nabasa nila sa natuklasang aklat ng Kautusan. (2Ha 22:12-14; 2Cr 34:20-22) Nang maglaon ay ipinagsanggalang niya ang buhay ni Jeremias nang ito ay mapasapanganib. (Jer 26:24) Ang anak ni Ahikam na si Gedalias ay naging gobernador ng Juda pagkatapos na mawasak ang Jerusalem noong 607 B.C.E.​—2Ha 25:22; Jer 40:5.