Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Ahinoam

Ahinoam

[Ang Kapatid ay Kaigayahan].

1. Asawa ni Haring Saul, anak ni Ahimaas, at lumilitaw na ina ni Jonatan.​—1Sa 14:49, 50.

2. Ang Jezreelitang asawa ni David. (1Sa 25:43; 2Sa 2:2) Sumama siya kay David sa pagkatapon nito sa Filistia, nabihag siya ng mga manlulusob na Amalekita sa Ziklag, at nailigtas siya nang walang pinsala. (1Sa 27:3; 30:5, 18) Nang maglaon, isinilang niya sa Hebron ang panganay na anak ni David, si Amnon.​—2Sa 3:2; 1Cr 3:1.