Ahio
[pinaikling anyo ng Ahias; o, posible, Nakababatang Kapatid].
1. Lumilitaw na isang anak ni Berias at apo ni Elpaal, mula sa tribo ni Benjamin.—1Cr 8:12-16.
2. Isang Benjamita, anak ni Jeiel sa kaniyang asawang si Maaca.—1Cr 8:29, 31; 9:35-37.
3. Anak ni Abinadab ng Kiriat-jearim. Noong inililipat ang kaban ng tipan patungong Jerusalem sakay ng isang bagong karwahe, naglalakad si Ahio sa unahan nito nang pabagsakin ang kaniyang kapatid na si Uzah dahil sa paghipo sa Kaban.—2Sa 6:3, 4; 1Cr 13:7-10.