Ahuzat
[Pag-aari].
Ang “matalik na kaibigan” na sumama kay Abimelec, ang Filisteong hari ng Gerar, sa isang pagdalaw kay Isaac sa Beer-sheba. (Gen 26:23, 26) Ito ang unang pagbanggit ng Bibliya sa isang “matalik na kaibigan,” ang katayuan ng isang pinagkakatiwalaang malapít na kasamahan na sinasangguni para sa payo o awtorisado bilang tagapagsalita.—Tingnan ang KAIBIGAN (Kaibigan [Kasamahan] ng Hari).