Ain
[Bukal].
Ang salitang ito ay literal na nangangahulugang “mata” ngunit maaari rin itong tumukoy sa isang likas na bukal na naiiba sa gawang-taong Gen 49:22; Deu 8:7; tingnan ang BALON; IMBAKANG-TUBIG.) Karaniwan itong isinusulat na “En-” kapag ginagamit sa mga tambalang salita, gaya ng En-rimon, En-gedi, at En-ganim.
balon o tangke, anupat ang huling nabanggit na pinagkukunan ng tubig ay ginagamitan ng mga terminong Hebreo na beʼerʹ at bohr. (1. Isang lugar na binanggit ni Jehova kay Moises noong itinatakda niya ang S hangganan ng Israel. (Bil 34:11) Maliwanag na ang “Ribla” na binanggit sa tekstong ito na nasa “silangan ng Ain” ay hindi tumutukoy sa Ribla na nasa lupain ng Hamat na nasa malayong H ng Damasco, yamang binanggit ang Ain may kaugnayan sa Dagat ng Kineret (Galilea). Ito ay nasa dakong H ng dagat na iyon, ngunit hindi matiyak kung saan ang eksaktong lokasyon nito.
2. Isa sa pinakatimugang mga lunsod na orihinal na nakaatas sa tribo ni Juda (Jos 15:32), pagkatapos ay iniatas sa tribo ni Simeon nang ang takdang bahagi ng Simeon ay kunin mula sa napakalawak na teritoryo ng Juda. (Jos 19:1, 7, 9; 1Cr 4:24, 32) Ang Ain ay malapit sa lunsod ng Rimon, at lumilitaw na nang muli itong pamayanan pagkatapos ng pagkatapon sa Babilonya, ang mga pangalan ng dalawang lugar ay pinagtambal at naging En-rimon. (Ne 11:29) Karaniwang ipinapalagay na ang En-rimon ay ang Khirbet Umm er-Ramamin (Horvat Remalya), na mga 15 km (9 na mi) sa H ng Beer-sheba.—Tingnan ang RIMON Blg. 2.
3. Sa Josue 21:16, ang Ain ay nakatala bilang isa sa mga lunsod na ibinigay sa mga Levita. Kung ihahambing ang tekstong ito sa Josue 15:42; 19:7 at sa 1 Cronica 6:59, makikita natin na ang lunsod na tinutukoy ay tinatawag na Asan sa ibang talata.—Tingnan ang ASAN.