Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Akub

Akub

[malamang, Isa na Sumusunggab sa Sakong; Kaagaw].

1. Ama ng isang pamilya ng mga Netineo na bumalik mula sa Babilonya kasama ni Zerubabel noong 537 B.C.E.​—Ezr 2:1, 2, 43, 45.

2. Isang Levitikong bantay ng pintuang-daan at ulo ng pamilya ng mga bantay ng pintuang-daan na nabuhay pagkaraan ng pagkatapon.​—1Cr 9:17; Ezr 2:42; Ne 7:45; 11:19; 12:25.

3. Isa sa 13 Levita na tumulong kay Ezra sa ‘pagpapaliwanag ng kautusan sa bayan.’​—Ne 8:7, 8.

4. Ang ikaapat na binanggit sa pitong anak ni Elioenai, kabilang sa huling mga inapo ni David na nakatala sa talaangkanan sa Hebreong Kasulatan.​—1Cr 3:24.