Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Alai

Alai

1. Malamang na anak na babae ni Sesan na mula sa tribo ni Juda, na ibinigay upang mapangasawa ni Jarha na Ehipsiyong lingkod ng kaniyang ama. Naging anak ni Alai kay Jarha si Atai. Gayunman, kung si Alai ay isang anak na lalaki ni Sesan, maaaring maaga siyang namatay.​—1Cr 2:31, 34, 35.

2. Ama ni Zabad na isang makapangyarihang lalaki sa hukbo ni David.​—1Cr 11:41.