Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Alamelec

Alamelec

[Dambuhalang Punungkahoy ng Hari].

Isang bayan sa teritoryong itinakda sa tribo ni Aser (Jos 19:26), sa H ng agusang libis ng Kison. Hindi alam kung saan ang eksaktong lokasyon nito ngunit malamang na ito ay nasa T na bahagi ng Kapatagan ng Aco, marahil ay sa Wadi el-Melek (Nahal Zippori), na bumubuhos sa Kison.