Alep
[א].
Ang unang titik ng alpabetong Hebreo. Ang pangalang ibinigay sa titik na ito ay kapareho ng salitang Hebreo para sa “barakong baka; baka.”—Ihambing ang Aw 8:7; Deu 7:13.
Sa Hebreo, ang alep ay hindi isang patinig kundi isang katinig at wala talaga itong katumbas sa Ingles. Kapag isinusulat, ang transliterasyon nito ay isang kuwit na nasa itaas ng letra (ʼ). Kapag binibigkas naman sa Hebreo, ito ang pinakabanayad sa paimpit na mga tunog (samakatuwid nga, mga tunog na nanggagaling sa lalamunan) at katulad ito ng bahagyang paimpit na tunog ng di-binibigkas na letrang “h” sa pasimula ng salitang Ingles na “hour,” o katulad ito ng ikalawang “o” sa salitang “cooperate.”
Sa Hebreo, ang unang walong talata ng Awit 119 ay nagsisimula sa alep.