Alfeo
1. Ang ama ng apostol na si Mateo Levi na maniningil ng buwis.—Mat 9:9; Mar 2:14.
2. Ang ama ni Santiago na Nakabababa, ang ika-9 sa nakatalang 12 apostol. (Mat 10:3; Mar 3:18; Luc 6:15; Gaw 1:13) Sinusuportahan ng tradisyon ang maraming iskolar sa pangkalahatang paniniwala na si Alfeo at si Clopas ay iisa (Ju 19:25), na mangangahulugang si Alfeo ang asawa ng “isa pang Maria.” (Mat 27:56; 28:1; Mar 15:40; 16:1; Luc 24:10) Maaaring ang pagkakaibang ito ng mga pangalan ay dahil sa magkaibang bigkas sa salitang-ugat ng pangalang ito o dahil may dalawang pangalan ang indibiduwal na iyon, na pangkaraniwan lamang noon.