Almon
Isang lunsod ng mga Levita sa loob ng teritoryo ng Benjamin. Nakaatas ito sa mga anak ni Aaron noong mga araw ni Josue at ni Eleazar na saserdote. (Jos 21:1, 18) Tinatawag itong Alemet sa 1 Cronica 6:60. Ang sinaunang lokasyon nito ay ang mga guho ng nayon ng Khirbet ʽAlmit (Horvat ʽAlmit), mga 6 na km (3.5 mi) sa HS ng Jerusalem at mga 2 km (1 mi) sa SHS ng Anatot, isa pang lunsod ng mga Levita.