Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Amag

Amag

Sa pangkalahatan, alinman sa maraming sakit ng halaman na dulot ng mga halamang-singaw. Ang pagkasira ng ani dahil sa amag ay isa sa mga kalamidad na dinanas ng di-tapat na Israel. (Deu 28:22; 1Ha 8:37-39; 2Cr 6:28-30; Am 4:9; Hag 2:17) Iminumungkahi na maaaring ang amag sa Bibliya ay ang black stem rust (Puccinia graminis). Pinagkakaitan ng malubhang parasitikong sakit na ito ang mga halaman ng kinakailangang sustansiya at tubig at sa gayon ay maaaring maging sanhi ng pagkatuyot ng mga butil. Nagkakaroon ng maliliit at kulay-kalawang na mga batik ang mga tangkay at mga dahon ng mga halamang binutil na sinalanta.