Amanah
[mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “mapagkakatiwalaan; tapat; namamalagi”].
Ang pangalang ito ay lumilitaw sa Hebreo sa Awit ni Solomon 4:8 may kaugnayan sa Lebanon at Bundok Hermon. Sa karamihan sa mga salin, tinutumbasan lamang ng transliterasyon ang salitang Hebreo; gayunman, inuunawa ng ilang iskolar na tumutukoy ito sa Kabundukan ng Anti-Lebanon, samantalang ikinakapit naman ito ng iba sa bahaging iyon ng Anti-Lebanon kung saan nagmumula ang tubig ng Nahr Barada.—Tingnan ang ANTI-LEBANON.