Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Amiel

Amiel

[Bayan ng Diyos].

1. Anak ni Gemali na mula sa tribo ni Dan. Isa sa 12 tiktik na isinugo ni Moises sa lupain ng Canaan. (Bil 13:12) Kabilang siya sa sampung tiktik na nagbigay ng masamang ulat tungkol sa Lupang Pangako at namatay siya sa salot na pinasapit ni Jehova.​—Bil 14:36, 37.

2. Ama ni Makir ng Lo-debar na nasa S ng Jordan. Sa bahay ni Makir nanunuluyan si Mepiboset, na anak ni Jonatan, nang naisin ni David na maggawad dito ng maibiging-kabaitan.​—2Sa 9:4, 5, 7; 17:27.

3. Ama ni Bat-sheba, ang asawa ni Uria na nang maglaon ay kinuha ni David bilang asawa. (1Cr 3:5) Sa 2 Samuel 11:3 ay tinatawag siyang Eliam, na nabubuo kapag pinagbaligtad ang mga bahagi ng pangalang Amiel at nangangahulugang “Diyos ng Bayan.” Posibleng anak siya ni Ahitopel na Gilonita, ang tagapayo ni David na naging traidor.​—2Sa 23:34; 15:31.

4. Isang Levita, ang ikaanim na anak ni Obed-edom. Siya ay isang bantay ng pintuang-daan na kasama sa mga may pananagutang bantayan ang mga kamalig ng bahay ni Jehova noong panahon ni David.​—1Cr 26:4, 5, 12-15.