Amihud
[Ang Aking Bayan ay Dangal].
1. Isang Efraimita, ama ni Elisama na pinuno ng tribo ni Efraim noong ikalawang taon pagkalabas mula sa Ehipto (1512 B.C.E.). (Bil 1:10; 2:18) Siya ay isang ninuno ni Josue (Jehosua).—1Cr 7:26, 27.
2. Isang Simeonita, ama ni Semuel na pinuno sa tribo ni Simeon na inatasang makibahagi sa paghahati-hati ng Canaan sa mga tribo ng Israel (mga 1467 B.C.E.).—Bil 34:20.
3. Isang lalaki na mula sa tribo ni Neptali, at ama ni Pedahel, ang pinunong inatasan noong malapit nang mamatay si Moises upang makibahagi sa paghahati-hati ng lupain ng Canaan sa mga tribo ng Israel.—Bil 34:28.
4. Ama ni Talmai, hari ng Gesur, at lolo ni Maaca na ina ni Absalom, anak ni David. Tumakas si Absalom patungong Gesur pagkatapos niyang patayin ang kaniyang kapatid sa ama na si Amnon.—2Sa 3:3; 13:37.
5. Anak ni Omri at isang inapo ni Perez na anak ni Juda. Siya ang ama ni Utai, na nakatalang kabilang sa mga unang tumahan sa Jerusalem pagkatapos ng pagkatapon sa Babilonya.—1Cr 9:2, 4.