Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Amma

Amma

[posible, Siko].

Isang burol na “nasa tapat ng Gia patungo sa ilang ng Gibeon.” Dito huling nakipaglaban si Abner, ang dating pinuno ng hukbo ni Saul ngunit lumipat na sa panig ng anak at tagapagmana ni Saul na si Is-boset, laban sa tumutugis na mga hukbo nina Joab at Abisai, pagkatapos nilang matalo si Abner sa pagbabaka sa tabi ng Tipunang-tubig ng Gibeon. Sa burol na ito hinikayat ni Abner si Joab na tigilan ang pagtugis sa kaniya, at sa gayon ay natapos ang pagbabaka. (2Sa 2:12-32) Bagaman malamang na ang Amma ay nasa dakong S ng Gibeon, hindi matiyak kung alin talaga sa mga burol sa rehiyong iyon ang tinawag sa pangalang ito.