Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Amram

Amram

[Bayan na Mataas (Dinakila)].

1. Isang apo ni Levi kay Kohat. (Exo 6:16, 18, 20; Bil 3:19; 26:58; 1Cr 6:18) Sinasabing napangasawa niya ang “kapatid na babae [si Jokebed] ng kaniyang ama,” isang bagay na ipinahihintulot noon ngunit nang maglaon ay ipinagbawal sa Kautusang Mosaiko. (Lev 18:12) Gayunman, ipinakikita ng ilang salin na ito ay pinsan niya. (Tingnan ang JOKEBED.) Ang kaniyang mga anak ay sina Aaron, Miriam, at Moises.​—Exo 6:20; Bil 26:59; 1Cr 6:2, 3; 23:12, 13.

2. Isa sa “mga anak ni Bani,” na tumugon, kasama ng iba pang pinabalik na mga tapon, sa panawagan na paalisin ang kanilang mga asawang banyaga noong 468 B.C.E.​—Ezr 10:34, 44.

3. Pangalang ibinigay sa isang Seirita, isang anak ni Dison, ayon sa salin ng King James Version sa 1 Cronica 1:41.​—Tingnan ang HEMDAN.