Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Amzi

Amzi

[pinaikling anyo ng Amasias, nangangahulugang “Si Jehova ay Malakas”].

1. Isang Levita na mula sa pamilya ni Merari at ninuno ni Etan na inatasan ni David bilang isa sa mga mang-aawit sa bahay ni Jehova.​—1Cr 6:31, 44-47.

2. Isang saserdote, anak ni Zacarias, at ninuno ni Adaias na nakatala bilang naninirahan sa Jerusalem at naglilingkod sa templo noong panahon ni Nehemias.​—Ne 11:12.