Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Ana

Ana

[mula sa Heb., nangangahulugang “Lingap; Kagandahang-loob”].

Isang propetisa, anak ni Fanuel na mula sa tribo ni Aser. Ang pangalan niya ay ang anyong Griego ng Hana.

Nabalo si Ana pagkatapos lamang ng pitong taon ng buhay may-asawa at, noong panahong dalhin sa templo ang batang si Jesus, siya’y 84 na taóng gulang na. Gayunpaman, lagi siyang naroroon sa templo, maliwanag na mula sa panahon ng pang-umagang paglilingkod hanggang sa panggabing paglilingkod at, bilang resulta, nagkapribilehiyo siya na makita ang batang si Jesus at magpatotoo tungkol dito. Ipinahihiwatig ng kaniyang “mga pag-aayuno at mga pagsusumamo” na siya’y nagdadalamhati at may marubdob na inaasam. Maaaring ito’y dahil sa maraming siglo ng pananakop sa mga Judio, kasama ang sumasamáng mga kalagayan sa relihiyon na nakaapekto maging sa templo at sa mga saserdote nito. Gayunpaman, kahit maaaring hindi na niya inaasahang buháy pa siya paglaki ng bata, buong-kagalakan siyang nagpatotoo sa iba tungkol sa pagpapalayang isasagawa sa pamamagitan ng dumarating na Mesiyas na iyon.​—Luc 2:36-38.