Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Anab

Anab

[Ubas].

Isang bayan sa T na bahagi ng maburol na lupain ng Juda na mula roon ay pinalayas ni Josue ang higanteng mga Anakim. (Jos 11:21; 15:48, 50) Ipinapalagay na ang lugar na ito ay ang Khirbet ʽAnab es-Saghireh, na 1.5 km (1 mi) sa K ng Edh Dhahiriya at nasa kalagitnaan ng Hebron at ng Beer-sheba. Maaaring ang orihinal na pangalan ng lunsod ay Kiriat-anab, yamang lumilitaw na binabanggit ito sa mga tekstong Ehipsiyo bilang Qrt ʽnb.