Anamim
Mga Hamitikong inapo ni Mizraim. Yamang ang Mizraim ay naging singkahulugan ng Ehipto, malamang na ang mga Anamim ay nanirahan doon o sa kapaligiran ng lugar na iyon. (Gen 10:13; 1Cr 1:11) Lumilitaw na sa isang tekstong cuneiform noong panahon ni Sargon II ng Asirya (ikalawang kalahatian ng ikawalong siglo B.C.E.) ay tinutukoy sila sa pangalang “Anami.”