Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Anat

Anat

1. Ang ama ng isa sa mga hukom ng Israel na si Samgar.​—Huk 3:31; 5:6.

2. Isa sa tatlong pangunahing diyosa ng mga Canaanita. Kinikilala siya kapuwa bilang kapatid at asawa ni Baal at bilang isang sagisag ng mahalay na sekso at ng digmaan. Gayunman, walang katibayan na ang pangalan ng ama ni Samgar ay hinango sa pangalan ng diyosang si Anat, bagaman posible ito dahil sa pag-aapostata ng Israel noong yugtong iyon.​—Ihambing ang pangyayari may kinalaman kay Gideon sa Huk 6:25-27.