FEATURE
Ang Lunsod ng Jerusalem (David/Solomon)
ANG sinaunang Jerusalem ang lugar na pinili ni Jehova upang paglagyan ng kaniyang pangalan. (2Cr 6:6) Ito’y nagsilbing sentro ng dalisay na pagsamba at sentro ng pamahalaan para sa Israel. Ang mga haring namamahala mula sa Jerusalem ay sinasabing nakaupo “sa trono ni Jehova.”—1Cr 29:23.
Inagaw ni Haring David ang moog ng Bundok Sion mula sa mga Jebusita at ginawa niya itong kaniyang kabisera. Pinalaki ni Solomon ang lunsod at pinaunlad niya ito hanggang sa rurok ng karilagan nito, anupat nagtayo siya ng isang maringal na templo at isang kahanga-hangang kalipunan ng mga gusaling pampamahalaan sa Bundok Moria at sa mga dalisdis nito. Ang Jerusalem ay isang lunsod na nagkaroon ng malapit na kaugnayan sa pangalan ni Jehova.
Tinutulungan tayo nitong maunawaan kung bakit napakaprominente ng Jerusalem sa mga hula sa Bibliya. Nagsisilbi itong angkop na sagisag ng makalangit na bahagi ng organisasyon ni Jehova at ng kaniyang Mesiyanikong Kaharian sa mga kamay ni Jesu-Kristo.