Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

FEATURE

Ang Megido

Ang Megido

PALIBHASA’Y estratehiko ang lokasyon nito at prominente sa pangunahing mga rutang pangkalakalan at pangmilitar, ang Megido ay pinag-interesan ng maraming bansa noong panahon ng Bibliya. Maraming mahahalagang pagbabaka ang naganap sa kapatagang libis sa paanan ng Megido. Kaya nga, angkop na angkop na tawagin ng aklat ng Apocalipsis na Har–​Magedon (mula sa Heb., nangangahulugang “Bundok ng Megido”) ang dumarating na “digmaan ng dakilang araw ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat.” Gayunman, hindi sa literal na Megido ipakikipaglaban ang digmaang ito. Masasangkot dito ang “mga hari ng buong tinatahanang lupa.” (Apo 16:14, 16) Sa pagkakataong iyon ay walang magtatagumpay na tagapamahalang tao. Silang lahat ay lulupigin ng Kaharian ng Diyos. Sa gayo’y ipagbabangong-puri ang Diyos na Jehova, na Makapangyarihan-sa-lahat, bilang Soberano ng Sansinukob.

MAPA: Ang Megido

Modelo ng sinaunang Megido.

Hitsura ng mga guho ng Megido, kung saan kitang-kita ang Kapatagan ng Megido (Esdraelon)