Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

FEATURE

Ang Paghahari ni Solomon

Ang Paghahari ni Solomon

PATIUNANG ipinakikita sa atin ng paghahari ni Haring Solomon ang mga bagay na mangyayari sa hinaharap. Noong panahon ng kaniyang pamamahala, naabot ng Israel ang tugatog ng kayamanan at kaluwalhatian nito. Si Solomon ay kapuwa pantas na hari at dalubhasang organisador. Nagtayo siya ng isang maringal na templo kay Jehova, sari-saring gusali ng pamahalaan, at isang maharlikang palasyo, gaya ng nakalarawan sa ibaba. Nagtatag siya ng mga administratibong distrito na halinhinang naglaan ng sari-saring pagkain para sa maharlikang sambahayan sa buong taon.

Nagkaroon ng tunay na kapayapaan at katiwasayan noong panahong namamahala si Solomon. Wastong inilalarawan nito ang mapayapang paghahari ng Mesiyas, na “magkakaroon . . . ng mga sakop sa dagat at dagat at mula sa Ilog [Eufrates] hanggang sa mga dulo ng lupa.”​—Aw 72:8.

MAPA: Ang Kaharian ni Solomon

Noong panahong naghahari si Solomon, ang Juda at Israel ay nanahanan nang tiwasay​—sa makasagisag na pananalita, ang bawat isa ay nasa ilalim ng kaniyang sariling punong ubas at ng kaniyang sariling puno ng igos (1Ha 4:25)

Maging ang mga tagapamahala ng ibang mga lupain ay dumating upang marinig ang kaniyang karunungan (1Ha 4:34; 10:1)