Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

FEATURE

Ang Tabernakulo

Ang Tabernakulo

SA UTOS ni Jehova, ang tabernakulo ay unang itinayo noong 1512 B.C.E. sa ilang sa Bundok Sinai. Ito ang nagsilbing sentro ng tunay na pagsamba para sa Israel; nasa gitna rin ito ng kampo ng mga Israelita. Ipinaliwanag ng apostol na si Pablo na ang tabernakulo ay isang makahulang ilustrasyon ng “mas dakila at lalong sakdal na tolda,” ang dakilang dako ng pagsamba sa Diyos.​—Heb 9:9, 11.

DAYAGRAM: Ang Tabernakulo

Ang mataas na saserdote ay lumalarawan kay Jesu-Kristo (Heb 4:14; 9:11)

Iwiniwisik ng mataas na saserdote ang dugo ng mga haing hayop sa harap ng kaban ng tipan. Lumalarawan ito sa paghaharap ni Jesus ng halaga ng kaniyang sakdal na hain bilang tao sa langit, sa harap ng presensiya ng Diyos (Heb 9:13, 14, 24)

Ang paghahain ng hayop, na iniutos ng Diyos, ay lumalarawan sa sakripisyong kamatayan ni Jesu-Kristo bilang pantubos para sa sangkatauhan (Mat 20:28; Heb 10:5-10)