Anim
Isang lunsod sa bulubunduking pook ng timugang Juda, na binanggit sa ulat tungkol sa pamamahagi ng lupain noong mga araw ni Josue. (Jos 15:48, 50) Ipinapalagay na ito ang Khirbet Ghuwein et-Tahta (Horvat ʽAnim), isang kaguhuan na mga 5 km (3 mi) sa T ng Estemoa at mga 19 na km (12 mi) sa TTK ng Hebron.
Para sa bilang na anim, tingnan ang BILANG, NUMERO.