Apdo
[sa Ingles, gall].
Isang fluido na nanggagaling sa atay at naiimbak sa gallbladder (tinatawag ding “apdo” sa Tagalog), isang maliit na supot na hugis-peras at nasa ilalim ng kanang bahagi ng atay. Ang gallbladder ay makapaglalaman ng isa at kalahating onsa ng apdo (sa Ingles, gall o bile). Ito ay isang fluido na napakapait, kulay dilaw o maberde-berde at ginagamit ng katawan sa pagtunaw. Nang maglaon, ang apdo ay iniugnay sa bagay na mapait o nakalalason, at ganito ang pagkagamit ng Bibliya sa salitang ito.—Gaw 8:23.
Nang inilalarawan ni Job ang kaniyang masakit at mapait na karanasan, makasagisag niyang tinukoy ang kaniyang apdo na waring ibinubuhos sa lupa. (Job 16:1, 13) Nang maglaon, may-pagpaparatang na nagpasaring si Zopar, sa makasagisag na pananalita, na si Job ay kumilos nang may kabalakyutan at na sa loob niya ang kaniyang “pagkain” ay magiging gaya ng “apdo [o lason] ng mga kobra.” Nagbabala siya na isang sandata ang “tatagos sa kaniyang apdo [sa Ingles, gallbladder].” (Job 20:1, 14, 25) Ang salitang Hebreo na isinalin bilang “apdo” ay nauugnay sa salitang ginagamit para sa “mapait.”—Deu 32:32; Job 13:26.
Ang salitang Griego para sa apdo ay kho·leʹ.—Tingnan ang NAKALALASONG HALAMAN.