Apeka
[Sahig ng Batis].
Isang lunsod na nasa bulubunduking pook ng timugang Juda, binanggit na nasa kapaligiran ng Hebron. (Jos 15:48, 53, 54) Ipinapalagay ng ilang iskolar na ito ang Khirbet el-Hadab, na mga 6 na km (3.5 mi) sa TK ng Hebron. May dalawang pinagmumulan ng tubig malapit dito, at sa lugar na ito ay may natagpuang arkeolohikal na mga labí mula sa panahon ng mga Israelita.