Apog
Isang substansiyang kulay puti kapag puro at ginagawa sa pamamagitan ng pagsunog sa mga anyo ng calcium carbonate gaya ng batong-apog, mga balat ng kabibi, o mga buto. (Am 2:1) Ang batong-apog na sagana sa bulubunduking rehiyon ng Palestina ay ginagawang apog (calcium oxide) sa pamamagitan ng pagsunog sa mga piraso ng batong-apog sa mga hurnuhan ng apog na hugis-balisungsong o hugis-silinder. Noong sinaunang mga panahon, ang apog (sa Heb., sidh; sa Ingles, lime) ay isang pangunahing sangkap ng argamasa at ginagamit sa pagpapalitada ng mga pader at sa pagpapaputi ng mga pader, mga libingan, at iba pa. (Deu 27:4; Eze 13:10; Mat 23:27; Gaw 23:3) Ginagamit din ng Bibliya sa makasagisag na paraan ang mga pinagsunugan ng apog upang kumatawan sa pagkapuksa.—Isa 33:12; tingnan ang HURNUHAN.