Arba
[Apat].
Siya ay tinawag na “ama” o “ang dakilang tao” ng mga Anakim at lumilitaw na siya ang nagtatag ng Kiriat-arba, na tinawag na Hebron nang maglaon. (Jos 14:15; 15:13; 21:11) Ipinapalagay ng ilan na ang Anak ay isang katawagan para sa lahi ng mga higante na nagmula kay Arba sa halip na personal na pangalan ng anak ni Arba at sa gayo’y itinuturing nila si Arba bilang ang aktuwal na pinagmulan ng mga Anakim.—Tingnan ang ANAK; ANAKIM, MGA.