Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Argob

Argob

[Kimpal ng Lupa].

1. Posibleng isa sa mga lalaking pinaslang, kasama ni Haring Pekahias ng Israel noong mga 778 B.C.E., ng isang mang-aagaw ng kapangyarihan na nagngangalang Peka, na tinulungan ng 50 Gileadita sa krimeng iyon.​—2Ha 15:23-25.

2. Isang rehiyon sa Basan na nilupig ng Israel noong naroon pa sila sa S ng Jordan at naging bahagi ng teritoryo ng tribo ni Manases. Waring ito ang naging sentro ng kaharian ni Og at binabanggit na ito ay may 60 nakukutaang lunsod bukod pa sa napakaraming bayan sa kabukiran. (Deu 3:4, 5, 13, 14) Ito ang “lupain ng mga Repaim,” o lupain ng mga higante.

Ang Argob ay nasa S ng Dagat ng Galilea. Bagaman ang kinikilalang lokasyon ng Argob ay ang Al-Ledja, isang dakong nababalutan ng lava at mga 32 km (20 mi) sa T ng Damasco, ang paglalarawan ng Deuteronomio sa isang lugar na may mga bayan sa kabukiran ay waring mas katugma ng matabang kapatagan sa dakong K ng Al-Ledja na malamang na nakasentro sa rehiyon na nasa pagitan ng Nahr al-Ruqad, Nahr al-ʽAlan, at Nahal Yarmuk. Sa malawak na talampas na ito, ang mga lunsod ay walang likas na mga depensa at mangangailangan ng ‘matataas na pader’ na binanggit sa Kasulatan. May mga guho ng gayong malalaking lunsod na nakakalat sa buong teritoryo ng Basan.

Noong panahon ni Haring Solomon, ang Argob ay bahagi ng isa sa 12 distrito na nasa ilalim ng mga kinatawan na may pananagutang maglaan ng pagkain para sa maharlikang sambahayan.​—1Ha 4:7, 13.