Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Ariok

Ariok

1. Ang hari ng Elasar na nakipagsabuwatan kay Kedorlaomer at sa dalawang iba pang hari at nakibahagi sa pagsugpo sa paghihimagsik ng Sodoma, Gomorra, at ng mga kaalyado ng mga ito at sa pagtangay kay Lot at sa kaniyang sambahayan. Pagkatapos ay tinugis at naabutan ni Abraham ang mga manlulupig na ito, tinalo si Ariok at ang kaniyang mga kakampi, at iniligtas si Lot. (Gen 14:1-16; tingnan ang KEDORLAOMER.) Hindi matiyak kung nasaan ang sinaunang lokasyon ng Elasar.​—Tingnan ang ELASAR.

2. Ang pinuno ng tagapagbantay ni Nabucodonosor, na inutusang pumatay sa lahat ng marurunong na tao ng Babilonya nang hindi nila maisiwalat at mabigyang-kahulugan ang panaginip ng hari. Nang malaman niya na nakahanda si Daniel na isiwalat ang panaginip at ibigay ang pakahulugan nito, “dali-daling dinala ni Ariok si Daniel sa harap ng hari.”​—Dan 2:12-25.