Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Arquipo

Arquipo

[Tagapamahala ng Kabayo].

Sa kaniyang liham sa mga Kristiyanong taga-Colosas, pinayuhan ni Pablo si Arquipo na maging tapat sa ministeryo, at sa kaniyang liham naman kay Filemon ay magiliw niyang tinukoy ito bilang “kapuwa kawal.” (Col 4:17; Flm 2) Ipinakikita ng dalawang liham, na isinulat noong matatapos na ang unang pagkakabilanggo ni Pablo sa Roma (mga 60-61 C.E.), na si Arquipo ay nakatira noon sa Colosas sa Asia Minor o malapit doon.