Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Arubot

Arubot

[Mga Bintana].

Isang bayan na nagsilbing sentro ng administrasyon sa ilalim ng isa sa 12 kinatawan na inatasan ni Haring Solomon upang maglaan ng pagkain para sa maharlikang sambahayan. Ang anak ni Hesed ang inatasan doon, anupat nasa pangangasiwa niya ang Socoh at ang lupain ng Heper. (1Ha 4:7, 10) Ipinapalagay sa ngayon na ang Arubot ay ang makabagong ʽArraba, malapit sa Dotan at mga 14 na km (9 na mi) sa H ng Samaria, sa gayon ay nasa teritoryo ng Manases.